Tara na at Sumali sa Digital Literacy Training!

Ang ATRIEV ay magkakaroon ng Digital Literacy Training (DLT), isang basic computer training para sa mga blind o may kapansanan sa paningin. Dito ay matutunan mo ang paggamit ng Windows10, Microsoft Office 2016 applications at Internet. Magkakaroon ka rin ng kaalaman kung paano maiiwasan ang iba’t ibang klase ng virus na maaring makasira sa ating computer. Syempre magiging posible ito sa tulong ng Screen Reader at Screen Magnification Software.
But wait…. There’s more! Mayroon din itong Self-acceptance, Personality Development, at Public Speaking Workshop. Ito’y mga masasayang activities kung saan matutulungan ka na mas magkaroon ng tiwala sa iyong sarili.

Kailan: April 13 hanggang may 28, 2020 (40 days), Monday to Friday, from 8:00 am to 5:00 pm.
Saan: ATRIEV Training Center, Cubao, Quezon City, Philippines.
Sino ang puwedeng sumali:

  1. Bulag o may kapansanan sa paningin.
  2. At least nasa high school pataas.
  3. Mayroon o walang kaalaman sa paggamit ng computer.
  4. Galing sa kahit saang lugar sa Pilipinas

Puwede kang magpa-register hanggang April 4, 2020. May chance kang makapag-aral ng libre. Iilang slots nalang ang available. Kaya ano pang hinihintay mo? Magbakasyon at matuto kasama namin.

Para sa mga katanungan gaya ng sponsorship qualifications and training requirements, huwag mahiyang tumawag sa aming mga numbers.
Mobile: +63 977-7059766, +63-917-502-6591 and +63-923-616-4376
Landline: +632-7587-2042 and +632-8367-9633
Hanapin lang si Ms. Marsh Balcueva, tumaawag mula 9:00AM hanggang 5:00pm, Monday to Friday.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *